RSS

Tag Archives: pag-ibig nga naman

Pag-ibig nga naman…

Nasubukan mo na bang umibig ng matindi? Yung feeling mo, “sana siya na”?

Paano ba idescribe na CONFIRMED, mahal mo nga siya!? Sabi nila, yung tipong siya lagi laman ng utak mo kahit busyng-busy ka naman… mayat-maya lagi syang pumapasok sa kokote mo.. yung pag may nagtext, inaasam-asam mo lagi na sana siya ang makikita mo sa screen ng cellphone mo at sinasabing nagmessage siya, yung matutulog ka na nga lang, siya pa din iniisip mo tapos pagkamulat mo pa lang ng mata mo sa umaga, siya agad ang kakatok sa natutulog mo pang diwa at parang nagsasabing, “bagong umaga na naman, ano kaya gawa ng mokong na yun?” o kaya automatic na lang parang last song syndrome lang yung pangalan nya, kakagising mo pa lang, siya agad pambungad. Baka nga siya pa naging laman ng panaginip mo eh, hehe. Yung kung pwede lang itali mo siya sa tabi mo para lagi mo siyang kasama at kahit simpleng ngiti niya lang sayo, kumpleto na ang araw mo, haay. Ang sarap mainlab.

Pag-ibig nga naman, pag tinamaan ka na, hahamakin ang lahat masunod ka lamang. Nakakaloka noh? Ang sarap umibig yun nga lang paano kapag yung itinitibok ng puso mo, hindi mo maaaring mahalin. Minsan naiisip mo, sana hindi mo na lang yun naramdaman, sana hindi ka nalang na-fall. If you can only turn back the hands of time, you will not want to fall in love with that person because it will only complicate things. Pero yun lang, katulad nga ng sinasabi ng marami, love is really magical. Magugulat ka na lang, may something ka na pala sa kanya and worse, its not that easy to erase the feelings. Kung pwede lang pigilan ang pagtibok ng puso, gagawin mo para lang hindi tuluyang lumaki ung binhi dyan sa puso mo — kasi baka unaware ka na pala, yung akala mong pagmamalasakit pagmamahal na pala.

Haay, paano nga ba? Well I guess I have to agree that acceptance is the key. All things in our lives happens for a reason. We meet people not by accident but by fate. Some will bring out the best in us, others will test how strong we are, others will teach us immeasurable lessons that we need in order to be better and bolder. At syempre may mga tao na kahit gusto nating manatili sa ating buhay pero hindi pwede. Marahil sapat na yung gagawin natin ang parte natin sa kwento, making an effort for them to stay and its up to them to make a choice whether to go or be with us.

I believe that if a person really wants to be part of our life, he will surely make a way to stay. And if things doesn’t turn out the way we wanted, someday somehow we will eventually understand why it did not work out today.complicated love

Advertisements
 
Leave a comment

Posted by on March 22, 2014 in Love notes

 

Tags: , ,