RSS

Ang nakakapraning na paghihintay (Job Hunt)

03 Mar

Waiting-for-Call-Back-Interview

Ngayon ko lang napagtanto, nakakapraning palang maghintay noh? Yung paghihintay ng resulta kung natanggap ka ba o hindi sa trabahong inaapplyan mo. Nung una akala ko madali lang, di bale may experience naman ako, di bale mabait naman ako, hehe, di bale tingin ko naman mas may ex-factor ako (kunwari).

Pinalad kasi ako sa una kong trabaho na pagkagraduate, nakuha ako agad at sa loob ng halos apat na taon, napagdesisyunan ko na lumipat ng trabaho. Yun nga lang sa nature ng trabaho ko, mahirap pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aapply ng panibago kaya pinasya kong tuluyang tuldukan ang nakagawian ko. Akala ko ganun lang kadali. Pero challenging pala. Sa loob-loob ko, habang humahaba ang oras ng paghihintay, lalong nakakapressure. Yung akala kong madali lang, unti-unti hinuhugot nito ang self-confidence na binibitbit ko sa bawat interview na pinupuntahan ko.

Just recently, I’ve had my 3rd set of interview sa isang kumpanya na inaasam ko at ipinapanalangin ko na sana makuha ako. The interview went well, tingin ko nakapuntos naman ako kahit kaunti lang, hehehe. Nabanggit naman na may ikaapat pang interview, final na daw. Sa loob-loob ko, yes, mukhang may pag-asa ako kasi vinoice out ulit nung Hr pagkalabas ko sa opisina ni bossing na hintayin ko na lang daw dahil magrereach out daw sila pag nakuha nila ang confirmation ng schedule ng 4th interview. Masaya,feeling happy ako nung araw na un dahil umaapaw yung pag-asa at determinasyon na nararamdaman ko… pero yung mga sumunod na araw, well its really making me feel tensed.

Time check, its the 5th day since that interview happened. And from day 1 of waiting until now, sa bawat pagtunog ng cellphone ko naeexcite akong tignan na baka si Madam Hr na yun. Ni hindi ko nga maiwan ang cellphone ko from the moment I open my eyes sa umaga hanggang sa pagtulog ko sa gabi. Sabi ng mga malapit sakin na nakakaalam sa application ko, hintayin ko lang.. relax, smile and dont worry too much which I am really trying to do. And honestly, the feeling gets harder day by day because I cant really get it off my mind.

Just this Sunday, it brought a smile on my face na yung homily ni Father, saktong sakto sa kailangan kong marinig. Nakakatuwa dahil what he said brought me into the realization na why am I really worrying too much when in fact as he had quoted, “Seek first the kingdom of God and He will take care of the rest for He knows everything that you need.” Dinagdag pa nya na kung ang isang ina ay kayang abandunahin ang sarili nyang mga anak, ang Panginoon hinding-hindi nya tayo iiwan. At gaya nga daw ng sinabi na pray and work–hindi naman daw sinabing pray and pray o di kaya ay work and work kundi magbigay pugay tao sa Kanya at pagsumikapan natin ang ating trabaho. Magsumikap ka lang at magtiwala. Father ended saying that we should not be anxious about tomorrow for tomorrow has its own time. Tumpak! Tama nga naman.

Ngayon, habang nagmumuni-muni ako. Napag-isip-isip ko na tuloy lang ang pagjojob hunt. The best is yet to come and best things happen to those who wait.Tiwala lang, God is the captain and we are His co-pilot. He will never leave us.^_^

Advertisements
 
 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: